Joint maritime security ops kasama ang PCG, Navy target ng PNP

Joint maritime security ops kasama ang PCG, Navy target ng PNP

February 27, 2023 @ 5:07 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinaplano ng Philippine National Police na magkaroon ng joint maritime operations kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) upang mapangalagaan ang karagatan ng bansa laban sa mga illegal na aktibidad.

Sa ambush interview, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nais nilang pumirma ng memorandum of understanding sa pagsasagawa ng joint maritime security operations.

“We wanted to have a memorandum of understanding na magsanib pwersa kami para sa pagse-secure natin sa mga karagatan natin,” ani Azurin.

Idinagdag din niya na masosolusyunan ng mga operasyong ito ang mga kontrabando at human trafficking sa bansa.

Patataasin din nito ang presensya ng mga awtoridad sa terrirotial waters ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Azurin na maaaring maitalaga ang mga tauhan ng PNP sa mga lugar na malapit sa baybayin at mga boundary. RNT/JGC