‘Joint oil exploration’ ng PH at Tsina sa WPS oks kay Isko

‘Joint oil exploration’ ng PH at Tsina sa WPS oks kay Isko

October 14, 2021 @ 8:00 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Manila Mayor at Presidential candidate Isko Moreno Domagoso na bukas ito sa pagkakaroon ng “joint oil exploration” sa bansang China sa West Philippine Sea.

Sa naganap na Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Domagoso na ang kikitain sa mga langis na matatagpuan sa nasabing lugar ay magreresulta umano sa pagbaba ng presyo ng kuryente sa bansa bukod pa sa pagpapalakas ng “maritime assets” sa Pilipinas.

“If I can utilize those, I will do that. Prinoteksyonan ko interes ng Pilipino,” ani Domagoso.

“We don’t have an engineering facility to dig oil? Then we dig with them: private sectors in the country and private sectors in China,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Domagoso, sakaling makakuha ng 40% na langis ang 20 porsyento nito ay dapat ibenta sa mga lokal na kompanya ng mga langis upang mabawasan ang presyo ng kuryente sa bansa habang ang natitirang 20% ay dapat ibenta sa ibang lugar upang mapondohan ang pag-upgrade ng mga sasakyang pandagat ng bansa.
.
“I will sell [oil] and build [the capabilities of the] Navy, the Coast Guard,” ani Domagoso.

“I will continue to build medium-range, medium-sized Navy, Coast Guard [assets] so we can protect whatever is left [of the West Philippine Sea],” dagdag pa ng Alkalde.

Bukod dito, isa sa mga prayoridad ni Domagoso ay ang pagbaba ng singil sa konsumo ng kuryente sa bansa upang kaya na nitong makipagsabayan sa ibang bansa.

“Kapag nagmura kuryente sa atin, magiging competitive tayo. Sseveral investors prefer Malaysia and Vietnam where power prices are cheaper,” ani Domagoso.

“We must fish in that area as Filipinos, undisturbed at hindi hinaharang, hindi pineperwisyo,” dagdag pa ng Alkalde. JAY Reyes


  •  
  •  
  •