Joint oil exploration sa China, labag sa Saligang Batas – Hontiveros

Joint oil exploration sa China, labag sa Saligang Batas – Hontiveros

January 16, 2023 @ 5:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Direktang lalabagin ang Saligang Batas kapag pumaloob ang administrasyon sa joint exploration ng likas yaman sa South China Sea sa China kabilang ang inaangkin na West Philippine Sea (WPS) na sakop ng teritoryo ng Pilipinas, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Inihayag ni Hontiveros ang naturang babala matapos ihayag ng Palasyo na isusulong nito ang joint exploration sa China sa naturang karagatan na sakop ng Pilipinas sa kabila nang desisyon ng Supreme Court na nagbabalewala sa ilang kasunduan hinggil dito.

“It raises serious constitutional issues regarding the legality of the Tripartite Agreement for Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) between the China National Offshore Oil Corporation (CNOOC), Vietnam Oil and Gas Corporation (PETROVIETNAM), and the Philippine National Oil Company (PNOC),” ayon sa Senador.

“Of course, the decision is not yet final, but whatever the final outcome of the case is, the Court’s opinion on the matter should be respected,” giit niya.

Tinutukoy ni Hontiveros ang desisyon ng Supreme Court na ideneklarang void at labag sa Saligang Batas ang 2005 agreement na pinapayagan ang China at Vietnam n a magsagawa ng joint exploration kasama ang Pilipinas sa oil resources sa lugar na nasasakupan ng West Philippine Sea.

Inamin ni Hontiveros na makakaapekto ang naturang desisyon sa plano ng bansa na tugunan ang krisis sa enerhiya pero ipinaliwanag niyang ginawa ito upang tiyakin na mapangalagaan ang patrimonya ng ating mamamayan sa pagsasabing “that our country’s future well-being is not made subject to the expediencies of the present day.”

Inaasahang mauubos ang nakukuhang enerhiya sa Malampaya natural gas field na ang nagsusuplay sa 30% pangangailangan ng Luzon, sa 2024.

“It moves the timetable back, for sure. But the constitutional provision that reserves the exploration, development, and utilization of natural resources to Filipino citizens, or corporations or associations at least sixty (60%) percent of whose capital is owned by such citizens is there to ensure that the government safeguards the patrimony of our people; that our country’s future well-being is not made subject to the expediencies of the present day,” ayon kay Hontiveros.

“At the very least, this forces the government to proceed prudently by, among others, choosing its partners carefully,” dagdag niya.

Sinabi pa nito na napapanahon na muling suriin ng bansa ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 at pumaling sa renewable energy.

“As stated by the DOE, and I whole-heartedly agree with this, the development and optimal use of the country’s renewable energy resources is central to the Philippine’s sustainable energy agenda,” giit ni Hontiveros.

“Renewable energy is an essential part of the country’s low emissions development strategy and is vital to addressing the challenges of climate change, energy security, and access to energy,” dagdag niya. Ernie Reyes