Joint oil, gas search talks sa Pinas isusulong ng Tsina sa sunod na admin

Joint oil, gas search talks sa Pinas isusulong ng Tsina sa sunod na admin

June 25, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Matapos tuldukan ng gobyernong Duterte ang joint oil at gas exploration talks sa  China,  sinabi ng Beijing na handa itong isulong ang negosasyon sa  susunod na administrasyon.

“China stands ready to work in concert with the new Philippine government to advance negotiations on joint development and strive to take early substantive steps so as to deliver tangible benefits to both countries and peoples,” ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin sa isang press briefing, araw ng Biyernes.

Taong 2018  nang kapuwa lumagda ang Manila at Beijing sa isang  memorandum of understanding  na naglalayong lumikha ng balangkas para sa  “future negotiations” ukol sa joint oil at gas explorations sa West Philippine Sea.

Ayon kay Wang,  ang plano ng dalawang bansa na joint offshore oil at gas development  ay  “right way para sa  China at Pilipinas na mapamahalaan ang maritime differences at makamit ang  win-win results ng walang pagtanggi sa  maritime “positions and claims” ng alinman sa dalawang bansa.

“Leaders of the two countries reached important common understanding on this. The two governments signed the Memorandum of Understanding on Cooperation on Oil and Gas Development and have actively pursued negotiations and made important progress within this framework,” dagdag na pahayag ni Wang.

Subalit, nito lamang araw ng Huwebes, inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.  ang terminasyon ng joint oil at gas exploration discussions sa Beijing matapos na ipag-utos ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte.

“Three years on and we had not achieved our objective of developing oil and gas resources so critical for the Philippines — but not at the price of sovereignty; not even a particle of it,” ayon kay Locsin. Kris Jose