Joint partnership sa health referral, nilagdaan ng DOH at Quezon province

Joint partnership sa health referral, nilagdaan ng DOH at Quezon province

January 23, 2023 @ 7:56 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ngayong araw, Enero 23 ng Department of Health (DOH) sa pamumuno ng Officer-in-Charge nitong si Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Gobernador Angelina Helen Tan ang ceremonial signing ng Joint Memorandum of Agreement sa pagitan ng 15 DOH Health Mga Pasilidad at Ospital at ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon upang bigyang daan ang pagtatatag ng isang Health Care Provider Network (HCPN).

Lumagda rin sa kasunduan kasama ang lalawigan ng Quezon ang mga sumusunod na mga ospital.

•Amang Rodriguez Memorial Medical Center
•Dr. Jose Fabella Memorial Hospital
•Jose R. Reyes Memorial Medical Center
•National Children’s Hospital
•Philippine Orthopedic Center
•Quirino Memorial Medical Center
•Rizal Medical Center
•San Lazaro Hospital
•Tondo Medical Center
•Lung Center of the Philippines
•National Kidney and Transplant Institute
•Philippine Children’s Medical Center
•Philippine Heart Center
•East Avenue Medical Center, and
•Batangas Medical Center

“Ang kasunduan nating ito ay isang hakbang tungo sa mas malawak na pagsasakatuparan natin ng Universal Health Care Act — through this partnership of improved health referral with the Province of Quezon and select DOH Hospitals, we are creating healthier outcomes and settings para sa kalusugan ng ating mga kababayan,” sabi ni DOH-OIC Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden