Joint patrol ng PH, US sa WPS pwede – DFA chief

Joint patrol ng PH, US sa WPS pwede – DFA chief

August 7, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Posibleng magkasa ng joint patrols sa pagitang ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea, ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Sabado sa gitna ng patuloy na “aggressive actions” ng China sa katubigan.

Sinabi ni Manalo na ang patrols “can take place under the ambit of the Mutual Defense Treaty.”

Ang MDT, isang 1951 defense pact na  nilagdaan sa pagitan ng Manila at Washington, ay nagbibigkis sa dalawang bansa na tulungan ang isa’t isa mula sa agresyon.

“I think that this is an issue which we can continue to explore bilaterally,” pahayag ni Manalo sa isang virtual joint press conference kasama si US Secretary of State Antony Blinken.

Tinatalakay din ang isyu ng joint patrols sa West Philippine Sea sa konteksto ng Philippines-US mutual defense board at ng security engagement board, dagdag ni Manalo.

Pinagtibay naman ni Blinken, ang pinakamataas na American official na bumisita sa Pilipinas mula nang maging Pangulo si Marcos, ang commitment ng USna ipagtanggol ang Pilipinas laban sa anumang armed attack sa South China Sea.

“I reiterated our iron-clad commitment to the US-Philippines Mutual Defense Treaty and reaffirmed that an armed attack on the Philippine armed forces, public vessels, or aircraft in the South China Sea will invoke US mutual defense commitments under that treaty,” giit ni Blinken. RNT/SA