JOKE PERO MAY TAMA

JOKE PERO MAY TAMA

October 18, 2022 @ 4:50 PM 2 months ago


KILALA si Sen. Alan Peter Cayetano bilang seryosong politiko pero madalas ay palabiro rin pala siya.
Ika nga, yung mga patawa na minsan corny, minsan pag-iisipan mo pa bago ma-gets.

Ginagawa niya ito para mas maunawaan ang kanyang punto, tulad sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways sa Senado.

Tinanong niya ang ilang opisyal nito kung naaalala nila ang isang chance meeting nila at sumagot ang mga ito ng hindi.
Sinabi niya – in jest – na padadalhan niya ang mga ito ng vitamins para gumanda ang memory nila. Joke lang pero may tama.

May isa pa siyang sinabi na obvious na joke – at tinawanan pa ng mga nasa hearing – pero may hugot din. Tungkol ito sa proposal na gawing park at central business district ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ang sabi niya: “One of the proposals during the Duterte administration is if matuloy ‘yong Bulacan and Cavite airport, gawing park kahit kalahati ng NAIA ‘di ba? At ito magiging lungs o central park ng Pilipinas then ‘yong kalahait ibenta as a central business district.”

Heto yong joke: “Actually ako may amended proposal doon, ‘yong kalahati gawing park, ‘yong kalahati hatiin sa dalawa. ‘Yong una gawing Ferdinand Marcos Sr. Business Park, ‘yong kalahati gawing Ninoy Aquino Business Park para mag-compete ‘yong mga negosyante rather than boycott, boycott, tingnan na lang natin kung saan sila pupunta doon sa dalawa, ‘di ba?”

Obvious na joke ito, pero saan ba ito hinugot? Hindi ba sa magkaaway na panig na gustong ipangalan ang lugar sa respective na sinusuportahan nila?

Dinaan niya sa isang patawa ang paga-address sa isang problemang pumipigil sa progreso ng bansa: division o disunity.

Kung hindi tayo magkakaisa sa isang napakasimpleng bagay, e di bigyan nga naman ng “Solomonic solution”, kungbaga: Hatiin sa dalawa ang proposed central business district para ma-satisfy ang magkabilang panig.

Sa totoo lang, ang joke na ito ng senador ay hitik sa pagtuligsa sa kasalukuyang estado natin bilang mga mamamayan.

Itigil na ang bangayan at magkaisa na. Otherwise, baka nga mauwi tayo sa isang absurd situation na hahatiin na lang ang public properties para lang mapalamig ang ulo ng nag-away-away.