Jolina at Dimples, tinawag na mga kunsintidora!

Jolina at Dimples, tinawag na mga kunsintidora!

January 6, 2023 @ 2:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Unfair nga ba kina Jolina Magdangal at Dimples Romana na paratangang mga kunsintidora sa umano’y relasyon sa pagitan nina Charlie Dizon at Carlo Aquino?

Nagpost kasi ng ” Ayun na!” si Jolina na sinegundahan naman ni Dimples ng red heart emoji bilang reaksyon sa larawan nina Charlie at Carlo.

Bagama’t in the company of friends, obyus na cozy with each other ang rumored couple.

Makikitang nakapatong ang kaliwang braso ni Charlie sa hita ni Carlo, habang ang kaliwang braso naman ng aktor ay nasa hita ni Charlie.

Imposibleng promo lang daw ‘yon para sa movie nila together.

Dahil ang latest pa nga’y sighted ang dalawa sa La Union.

Dahil mukhang okey naman daw kina Jolina at Dimples ang photo ay tinawag silang “mga titang nambubuyo.”

Alam naman daw kasi ng dalawang aktres na may anak na si Carlo with his previous partner Trina Candaza, bakit kinukunsinti nila ang aktor sa pakikipagrelasyon kay Charlie?

As far as the netizens are concerned, hindi raw bagay sina Carlo at Charlie.

Sa age gap pa lang daw nila’y hindi na sila swak.

Carlo is 37 while Charlie is 26.

Dahil dito, inuurutan ng mga netizens na nagmamalasakit kay Charlie na layuan ang binatang ama habang maaga pa.

Sayang daw ang magandang kinabukasang naghihintay kay Charlie kung magpapaloko lang daw kay Carlo na may record na ng panloloko sa dating karelasyon.

Nanghihinayang ang mga concerned netizens sa papaangat na career ni Charlie na mawawalan lang daw ng saysay for choosing a good-for-nothing guy tulad ni Carlo.

Ipinagtataka rin nila kung bakit boto sina Jolina at Dimples sa umano’y relasyong Charlie-Carlo gayong they should be the first ones to discourage such a relationship.

Dapat pa nga raw ay pinapayuhan ng dalawang aktres si Carlo na atupagin na lang ang pagsuporta sa anak nila ni Trina.

Well… Ronnie Carrasco III