‘Jolina’ na pangalan ng bagyo sa Pinas magreretiro na – PAGASA  

‘Jolina’ na pangalan ng bagyo sa Pinas magreretiro na – PAGASA  

September 22, 2021 @ 6:11 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magreretiro na sa listahan ang pangalan ng bagyong Jolina, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito ay makaraang mag-iwan ito ng malawak na pinsala sa insprastraktura at agrikultura nitong Setyembre.

Sa ulat, tinatanggal ang pangalan ng bagyo oras na umabot ang pinsala nito sa higit P1 bilyon at/o 300 buhay ang nasawi.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumalo na sa P1.53 bilyon ang pinsala ng bagyong Jolina buhat nitong Setyembre 22.

Ang listahan ng PAGASA para sa pangalan ng bagyo ay binubuo ng apat na set ng 25 na pangalan at may 10 auxillary o “reserved” names. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •