Jollibee-BGC branch sarado ng 3 araw; ‘jolli-towel’ trending



Jollibee-BGC branch sarado ng 3 araw; ‘jolli-towel’ trending

June 3, 2021 @ 7:36 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Jollibee Foods Corp. na isasara muna nila ang kanilang branch sa Bonifacio Global City makaraang mag-viral ang isang insidente na tinawag ng netizens na ‘Jolli-towel’.

Sinabi ng Jollibee na tatlong araw isasara ang Jollibee Bonifacio-Stop Over branch upang makapagsagawa ng aksyon.

“Jollibee has carefully developed and complied with food preparation systems to ensure that we deliver excellent quality products and customer satisfaction,” lahad ng kumpanya.

Sa Facebook post ni Alique Perez, umorder siya ng manok via delivery app ngunit nang kakainin na ito, napansin niyang isa pala itong tuwalya na coated sa breading at naka-deep fried pa.

Umani naman ito ng kabi-kabilang batikos mula sa netizens. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •