Jolo Estrada, bibinyagan sa TV!

Jolo Estrada, bibinyagan sa TV!

December 10, 2021 @ 1:58 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Balik showbiz si Jolo Estrada, ang anak ng dating Senador na si Jinggoy Estrada. In fairness, mukhang maganda ang future niya ngayon dahil marami ang mga nakalinyang proyekto sa kanya.

Sa unang pagkakataon ay sasabak siya sa TV drama, at ito ay sa pamamagitan ng  Ethan’s Return sa Regal Studio Presents na mapapanood sa Kapuso Network this Sunday.

Ginagampanan ni Jolo ang papel bilang si Clark na matalik na kaibigan ni Ethan, na ginagampanan naman ni Joaquin Domagoso.

Isang magandang love triangle ang nasabing drama. Pinuri-puri siya ng producer ng  show na si Roselle Monteverde at sey pa ng lady produ ay  marami raw itong nakalinyang project sa Regal.

Dahil nagkasama sila ni Joaquin sa isang project ay marami nga ang nagtatanong kung paano ang naging working relationship nila gayong alam ng publiko na nagkaroon ng  isyu sa pagitan nina Mayor Isko Moreno na tatay ni Joaquin at Erap Estrada na lolo naman ni Jolo.

Pero sey ng baguhang aktor during taping ay nababaitan daw sya kay Joaquin. Naging maayos ang pagtatrabaho nila.

Sey niya, he’s a nice person daw. Maski, kay Mayor Isko ay maganda ang mga sinasabi nya.

Sa kabilang banda, bilang Ejercito na ang linya ay pulitika rin, mas pinipili muna ni Jolo ang showbiz tulad ng tiyuhing si Jake na regular na napapanood sa seryeng Marry Me, Marry You sa Kapamilya network. Pero hindi namam daw niya isinasantabi ang pulitika.

Dapat lang talaga na showbiz muna ang harapin ni Jolo dahil sigurado na marami siyang pakikiligin.

Sa totoo lang, ang guwapo niya kasi at excited tuloy kami sa kanyang pelikula with Lovi Poe at Carlo Aquino na Seasons. For sure, ito na ang simula ng pagpapakilig niya. Rodel Fernando