Joma, naka-shabu o naka-tsongke?

Joma, naka-shabu o naka-tsongke?

July 10, 2018 @ 11:32 PM 4 years ago


Ulyanin o talamak na sinungaling ‘yang si communist party leader Jose Ma. Sison.

Alam ba niya na wala nang naniniwala sa kanya kundi mga alipores ni­yang kapwa inutil?

Kundi ba naman kabulastugan ang tinuran nitong si Pangulong Duterte at ang anak niyang si Paolo ay mga “protektor” ng mga sindikato sa iligal na droga.

‘Di ba’t ‘yang war versus illegal drugs na patuloy ipinatutupad ni Ma­nong Digong ang pangu­nahing pinapalagan ng kanyang mga kritiko?

Libo-libong drug dea­ler na ang napapatay ka­ugnay ng kampanya ng PNP at PDEA.

Kabilang na ang ilang alkalde na tukoy na narco-politician ang “nanahimik na.”

Bilyon-bilyong piso na halaga ng shabu at iba pang droga ang nasasamsam na ng mga awtoridad sa walang patumanggang police raids.

Ilang ulit na ring iniha­yag ng Pangulo ang narcolists na kinabibilangan ng mga politiko, pulis, ba­rangay captain at maging mga huwes na sangkot sa sindikato sa droga.

Kaya paanong masa­sabi ni Joma na protektor ng drug dea­lers si Ma­nong Digong pati na ang anak niyang si Paolo?

Sira na nga yata ang ulo o “sabog” ‘yang lider ng mga komunista na na­nga­ngarap magpkamakailan ay nagbanta pa siyang mapa­patalsik ng CPP-NPA si Manong Digong bago ang taong 2022.

Ano ba ang sinisinghot niyang si Joma at muk­hang “high” at kung ano-anong sinasabi nya?

‘Di kaya naka-shabu o naka-tsongke lang ‘yang si Joma?

– DALA KO EGCO