Jomari at Abby, 2 beses ikakasal!

Jomari at Abby, 2 beses ikakasal!

March 3, 2023 @ 7:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Dalawang beses gustong maikasal ang live-in partners na sina Abby Viduya at Jomari Yllana.

Para sa mga 90s generation, first love nina Abby at Jomari ang isa’t isa.

And hopefully, last love na rin.

Nitong February 25 ng hapon, kasama ang anak niyang si Andrei ay namanhikan na si Jomari sa ina ni Abby na si Isabelita Razon Viduya who arrived from Canada the day before.

Nagkausap na rin ang magbalae-to-be na mga ina ng dalawa at dòon nga naayos ang planong pagpapakasal ng kani-kanilang mga anak.

Ayon kay Jomari, sa wikang Espanyol daw nag-usap ang mga ina nila ni Abby.

Sa kabila ng kanilang pagli-live in noong magkabalikan in 2019, nais ni Jomari na gawing legit ang pagsasama nila ni Abby.

Old-fashioned daw kasi siya who grew up with his elders na mga pari at madre.

Dalawang kasal ang binabalak ng magkasintahan: civil wedding sa June sa Las Vegas, Nevada at church wedding sa Bicol sa 2024.

Kung hindi raw kakayaning ikasal sila ng June ay puwede raw nila itong ilipat sa November.

Ang ideya ni Jomari of a civil wedding ay silang dalawa lang ni Abby.

Pero pagdating daw sa kasal nila sa simbahan ay imbitado ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

‘Yun nga lang daw ay kailangan nilang pag-ipunan ‘yon.

This is why larawan ng kasipagan ang Paranaque City first district Councilor sa kanyang bagong negosyo.

Joint venture daw ito kung saan si Jomari na rin ang brand ambassador ng Wonder Lube for Yllana Racing.

Isa raw itong langis na additive na apat na taon na niyang ginagamit sa pangangarera.

Samantala, aprub daw kay Andrei ang pagpapakasal niya kay Abby.

As Jomari puts it, natagpuan na raw niya ang babaeng gusto niyang makasama for the rest of his life.

Kinse anyos lang sina Abby at Jomari noong magnobyo sila who got back together 30 years later.

Tunay nga ang kasabihang “First love never dies.” Ronnie Carrasco III