Jomari, bumalik sa pangangarera!

Jomari, bumalik sa pangangarera!

November 5, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ipinahayag ng aktor at Parañaque Councilor na si Jomari Yllana na pakakasalan na niya ang kanyang partner na si Abby Viduya.

Wika ng aktor/public servant. “We will get married pagkatapos ng last term ko. Alam n’yo masarap umuwi sa bahay na kasama mo ang taong mahal mo.”

Sambit na reaksiyon naman dito ni Abby, “I’m happy. We’re always very vocal about how we feel. And our relationship is getting stronger. Always positive. Pero nang naririnig ko kanina ‘yung about kasal, kinikilig talaga ako. But I’m not kasi the typical na dream wedding girl, kasi siguro nagsawa ako noong gumagawa ako ng pelikula, ang daming beses ko nang ikinasal.”

Samantala, bukod sa pagbabalik showbiz ay aarangkadang muli si Jom sa racing circuit.

Si Jom ang nasa likod ng gaganaping Paeng Nodalo Memorial Rally ngayong November 5-6 sa Subic Bay Freeport. Magsisilbi itong tribute kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports ng bansa, na nasa likod ng sikat na Mabuhay Rally.

Sinabi ni Jomari na open sa lahat ang kanilang memorial rally. In-encourage niyang sumali sa sanctioned ng official racers ang mga mahihilig sa karera.

Balik-acting din si Jom, mag-uumpisa na siya ng shooting sa December. Gaganap siyang politiko sa serye ni Erik Matti, na pang-international release. Nonie Nicasio