Jomari Yllana, daddy na ulit

Jomari Yllana, daddy na ulit

July 13, 2018 @ 11:46 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ipinakita ng aktor na si Jomari Yllana ang kaniyang newborn baby boy sa non-showbiz girlfriend na si Joy Reyes sa social media, kahapon (July 12).

Sa kaniyang sariling Instagram account, nag-post si Yllana ng litrato ng kaniyang newborn son na si Chistiano.

Ayon sa caption, sinabi ng actor na, “You make me smile, you make me sing. You take my breath away. We welcome you to our family Chistiano Ayrton Yllana Baby Jomjom…”

Noong nakaraang taon inanunsiyo ni Yllana na siya ay magiging daddy na ulit.

Si Yllana, 41-anyos, ay dating asawa ni Aiko Melendez kung saan sila ay nagkaroon ng isang anak na si Andre. (Remate News Team)