Jona, asar-talo sa netizens

Jona, asar-talo sa netizens

July 13, 2020 @ 1:56 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagbasura ng kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN at ang epekto nito sa mga empleyado at artista.

At isa nga sa mga Kapamilya talents ang nakatikim ng pang-aasar sa mga netizens ay ang recording artist na si Jona.

“Mabuti nga sa ‘yo, lipat-lipat ka pa kasi, wala ka na trabaho, wala ka ng career ” sabi pa ng isang netizen kay Jona.

Kung matatandaan ay nanggaling sa Kapuso si Jona kung saan siya nakilala bilang si Jonalyn Viray.

Naging grand champion si Jona sa “Pinoy Pop Superstar” ng GMA7 at mula nu’n ay nabigyan na siya ng break sa kanyang singing career.

Dahil sa pang-aasar sa kanya ay nag-Tweet si Jona para sa kanyang mga bashers.

“Wow…that’s the kind of spirit Filipinos have? Nagsasaya sa kawalan ng iba?

“One thing I’d like to tell these people, just keep following and be updated,” sabi ng singer.

For the record ay isa si Jona sa mga artistang spotted na nakilahok sa Kapamilya motorcade sa harap ng ABS-CBN compound. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...