Jona, todo-kayod sa alagang 70 na hayop!

Jona, todo-kayod sa alagang 70 na hayop!

July 18, 2022 @ 7:20 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Kung kinakailangan ng bawat isa sa atin na magtrabaho para itaguyod ang ating pamilya, iba ang kaso ni Jona.

Marami ang hindi nakakaalam na umabot na sa 70 ang bilang ng mga kinakalinga niyang hayop.

Apatnapu rito ay pusa, 30 naman ang aso.

Curious to find out how it all started?

Nagsimula ‘yon nang may mamataan siyang stray cat sa kalsada.

Madalas daw itong sumasalubong sa kanya.

Bukod dito’y inaaway pa raw ng adult cat ang malambing na pusang gala.

Sa awa, kinupkop na niya ito.

Nadagdagan pa, at nahaluan ng mga aso na pinagkakasya niyang lahat sa kanyang tirahan.

Siyempre, mataas ang overhead expenses niya in keeping 40 cats and 30 dogs.

Sa pagkain pa lang daw ng mga ito’y aabot na sa P70k isang buwan.

Hindi pa kasama rito ang gastos kapag nagkakasakit ang mga ito.

Dahil dito, Jona hopes to put up an exclusive veterinary clinic for them.

Kaya raw kailangan niyang rumaket dahil para sa kanya, hindi lang tao ang inaalagaan.

Mga hayop din. Ronnie Carrasco III