Joni McNab, naging acrobat sa love scene!

Joni McNab, naging acrobat sa love scene!

August 9, 2022 @ 7:40 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Unquestionably ay makulay sa ngayon ang entertainment industry. Raratsada na rin kasi ang AQ Prime Stream at magsisimula na itong magpapasabog via La Traidora, ang pelikulang gawa ni Alejandro “Bong” Ramos.

Matindi at mainit ang lampungan ng mga artistang sina Joni McNab at Juan Calma.

Mistula silang mga ahas kung maglingkisan habang kinakain ang malaking piraso ng cake na inililipat sa mga pribado nilang katawan.

Isa ito sa mga eksenang ponag-uusapan na tiyak na magpapainit ng kalamnan.

Bigay na bigay ang dalawang sexy star sa kanilang mga daring scene. Palaban itong si Joni sa napakaraming maiinit niyang eksena. Maluluma ang isang acrobat sa mga ginawa niyang style sa pakikipag-sex.

Ito namang si Juan Calma ay may pinasilip na tiyak na pagkakaguluhan ng mga kababaihan at kabadingan.

Isa sa dapat abangan ang pakikipagharutan ng isa sa mga cast ng pelikula na si Mia Aquino. Hubad kung hubad ang kanyang ginawa. Wala ring kiyeme at hindi nagpatalbog sa co-star niyang si Joni.

Tiyak na pag-uusapan ang pagnguya niya ng bubble gum habang nakikipagsex. Naghuhumindig din ang kaniyang alindog lalo na’t nag-hello ang kanyang private part.

Kasama rin sa pelikula sina Ricardo Cepeda, OJ Arci at Brylle Mondejar. Streaming na ang La Traidora ngayong August 8 sa AQ Prime sa Apple at Google Play store. JP Ignacio