JONVIC REMULLA MULING NANUMPA NA GOBERNADOR

JONVIC REMULLA MULING NANUMPA NA GOBERNADOR

June 30, 2022 @ 8:15 PM 1 month ago


Nanumpa bilang muling inihalal na Gobernador ng Lalawigan ng Cavite si Kgg. Juanito Victor “Jonvic” Catibayan Re¬≠mulla kay Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. noong Hunyo 27, 2022 ganap na 9:00 ng umaga sa Rectory Area ng Holy Cross Parish Church sa Tanza, Cavite.

Samantala nanumpa naman kay Senador Francis Tolentino si Kgg. Athena Bryana D. Tolentino bilang bagong halal na Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite.

Ganoon din ay na­numpa naman kay Go­bernador Jonvic Remulla si Kgg. Aniela Bianca D. Tolentino bilang ba­gong Kongresista ng Ika-8 Distrito ng Ca­vite.

Nagsimula ang munting programa sa panimulang panalangin ni Bb. Rosanna Margarita Remulla na sinundan sa pag-awit ng Lupang Hinirang ni Bb. Lizette Sar­miento.

Pinangunahan naman ni Kgg. Michael Francis Tolentino ang panunumpa sa Watawat ng Pilipinas at pagkatapos ay muling umawit si Bb. Lizette Sarmiento ng Himno ng Cavite.

Ang ilan pa sa mga panauhin at bisita na nakarating sa Panunumpa sa Katungkulan ay sina Congressman Alex Advincula, Cong. JonJon Ferrer, Indang Mayor Pecto Fidel, Mayor Jun Dualan at Mayor Elect Raffy Dualan ng Naic, mga dati at bagong halal na Bokal ng Cavite, Ma­yor Yuri Pacumio at mga opisyal ng Bayan ng Tanza, 41 Barangay Captains ng Tanza, mga Executive Assistants to the Gover­nor at mga miyembro ng pamilya ng mga Remulla at Tolentino.

PERSONAL: Cong­ratulations po Boss Gov. Jonvic Remulla, Vice Gov. Athena Tolentino and Congw. Aniela Tolentino. GOD bless po sa inyo at Mabuhay po kayo.