Joross, na-expose sa COVID-19 sa Poblacion, naka-quarantine na!

Joross, na-expose sa COVID-19 sa Poblacion, naka-quarantine na!

January 3, 2022 @ 8:37 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Malungkot na sinalubong ni Joross Gamboa at ng kanyang asawa ang Bagong Taon dahil hindi nila nakapiling ang kanilang dalawang anak.

Nag-celebrate sina Joross at Katz ng New Year sa kanilang bahay sa Paranaque habang ang mga anak na sina Jace Kyler at Jon Kody ay pansamantala munang nakapisan sa kanyang mga magulang.

Inamin ni Joross na nagkaroon siya ng exposure sa taong may COVID-19. He and his wife had to be quarantined bago sumailalim sa swab test.

Simpleng kaso raw ng hawahan ang nangyari.

Ang siste, nag-birthday kamakailan ang kanyang sister with family and friends in attendance.

Bale ba, ang gathering ay naganap sa kontrobersyal na Barangay Poblacion sa Makati City.

Joross’ sister eventually met with her family, hence the transmission.

Naiulat na isang babae galing Amerika who had skipped quarantine ang sinasabing nagkalat ng COVID variant.

Patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang dapat managot sa kasong ito involving the woman who even boasted of her connections. Ronnie Carrasco III