Joross, nagreak sa sexy pic ni Sandara!

Joross, nagreak sa sexy pic ni Sandara!

January 5, 2023 @ 11:56 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Flawless. Makinis.

There can be no more appropriate words than these to aptly describe Sandara Park in her two-piece bikini taken in Bohol pagpasok ng Bagong Taon.

In fairnese, mukhang ngayon lang nag-pose nang ganoon ka-sexy ang Star Circle Quest alumna.

Isang bagay ‘yon na hindi niya magagawa in her native South Korea lalo’t mahigpit ang kinabibilangan niyang talent management agency.

Obviously, Sandara threw her inhibitions away.

Hindi nga napigilan ng kapwa Star Circle graduate na si Joross Gamboa na magpost ng kanyang reaksyon sa pagiging daring ng South Korean celebrity who has learned to embrace Filipino culture.

Post ni Joross: “Haaay, ‘di na kita mapigilan. Malaki ka na.”

Nakakaaliw naman ang reply ng binansagang Pambansang Krung Krung.

Tugon nito: “Oo, hindi na ako 19 years old na hatid-sundo mo noon sa Gerry’s Grill!”

One nice thing about Sandara, nasa puso pa rin niya ang Pilipinas kahit bukod sa banyaga na’y sikat pa.

Sandara considers the Philippines her second home.

After all, ipinadama rin naman ng ating mga kababayan ang pagpapahalaga sa kanya.

Wish ng mga netizens, sana raw ay magkaroon pa ng mga ganoong larawan si Sandara.

At least, hindi siya na-bash for showing a bit of her flesh unlike other local celebrities who dare look sexy at the beach.

‘Di ba, Alice Dixson at Geneva Cruz? Ronnie Carrasco III