Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila pansamantalang tigil-operasyon sa pagsirit ng COVID cases

Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila pansamantalang tigil-operasyon sa pagsirit ng COVID cases

January 2, 2022 @ 9:00 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang isinara ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) makaraang magkaroon ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga coronavirus disease (COVID-19) admission sa nasabing ospital.

Batay sa inilabas na abiso ng JJASGH, simula alas-8 kagabi (Enero 1) ay isinara ang nabanggit na pagamutan upang mapauwi o mailipat sa quarantine facilities ang mga naka-admit dito sa tulong na din umano ng pamunuan ng Manila Health Department.

Nabatid na ang bilang ng mga Covid patient sa JJASGH ay higit pa sa bilang ng kanilang mga kama, bukod dito ay marami na rin umanong mga kawani ng nasbaing ospital ang nahawa na ng nasabing impeksyon.

Hinikayat naman ng JJASGH na pumunta na lamang ang mga pasyente sa ibang pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila.

Muli namang maglalabas ng anunsiyo ang nasabing ospital kung kalian muli silang magbubukas at tatanggap ng mga pasyente. JAY Reyes