Josh nakabuntis, ikakasal na, fake news!

Josh nakabuntis, ikakasal na, fake news!

March 5, 2021 @ 11:33 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umalma ang movie columnist at talent manager na si Ogie Diaz kaugnay ng isang balita na nakabuntis umano ang anak ni Kris Aquino na si Joshua.

Ibinalita rin na ikakasal na raw ang panganay ng Queen of All Media.

Ayon pa sa nasabing balita, si Kris umano ang bahala sa gastos ng kasal at maging sa bahay na titirhan nila.

Sa kanyang vlog, hinimay ni Ogie ang content ng video kung saan lumabas ang balita at inalmahan ang umanoý pag-iimbento ng mga isyu ng vlogger para lamang mapansin ang content.

Ilan sa mga pinuna ni Ogie ay ang detalye ng nasabing balita na wala man lang ebidensiya o basehan.

Bukod sa walang pangalan na nabanggit tungkol sa babaeng nabuntis at pakakasalan ni Josh, wala ring detalye kung paano nangyari ang lahat.

Ang ipinakita lang ay litrato ni Josh at ng yaya nitong si Bincai na siyang featured sa video.

Sey ni Ogie, huwag daw sanang linlangin ang publiko dahil sa pagkakalat ng fake news.

Bilang isang showbiz news reporter, nagpayo rin si Ogie sa netizens na maging mapanuri sa kanilang mga nababasa o napapanood online at tiyaking may mga pruweba bago maniwala. Archie Liao


  •  
  •  
  •