Joshua Garcia, may babala sa fans!

Joshua Garcia, may babala sa fans!

January 29, 2022 @ 9:28 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Hala! Ayan na!

Nagbigay ng babala si Joshua Garcia sa kanyang mga followers sa pekeng Facebook account na nakalagay sa kanyang pangalan.

Sa IG Stories ng aktor, in-upload niya ang isang screenshot ng kanyang fake Facebook page na may pic niya at ng aktres na si Ria Atayde na may caption na, “Ikaw ang aking liwanag.”

“Hello! This is not mine! I don’t have a Facebook Page! Thank you,” sabi ni Joshua.

Naka-tag si Ria sa IG story ni Joshua na ni-repost naman ng aktres.

“Liwanag?! Bakit? Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha,” sabi pa ni Ria!

Sa mga prior interviews ni Joshua, sinabi na niya na kaibigan niya si Ria. Joey Sarmiento