Joshua, nagsalita na sa real score with Trina!

Joshua, nagsalita na sa real score with Trina!

May 26, 2022 @ 5:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos mapag-usapan online ang pagbabawal ni Julia Barretto kay Joshua Garcia na mag-girlfriend, muli na namang umingay ang pangalan ng aktor.

Nitong nakalipas na buwan ay na-link si Joshua kay Ateneo Lady Eagles guard Trina Guytingco. A lot of netizens believed na may something talaga ang dalawa lalo’t wala silang itinanggi pero finally, Joshua broke his silence at nilinaw ang real score between the two of them.

“Tropa ko ‘yun, barkada namin ‘yun nila Daniel,” saad ni Joshua. (source Pep)

Nagkataon lang aniya na nu’ng time na magkakasama ang tropa, lahat may partner kaya naman silang mga single ay nai-push sa isa’t-isa.

Okay guys, bukas na ulit ang pila. Pumila nang maayos, ‘wag mag-unahan! Char. Paula Jonabelle Ignacio