Joshua, tinigil ang pagba-vlog, nabaduyan!

Joshua, tinigil ang pagba-vlog, nabaduyan!

December 6, 2022 @ 12:08 PM 2 months ago


Manila, Philippines – You are the best judge of yourself!

Ito ang napagtanto ni Joshua Garcia na hindi nahiyang aminin na itinigil muna niya ang kanyang pagba-vlog.

Nagbanggit siya ng ilang dahilan why he chose to lay low.

Aminado si Joshua na nakiuso siya when vlogging became a fad among celebrities.

Nagkataon pang nanalasa ang pandemya.

Dahil nasa bahay lang daw siya palagi’t walang pinagkakaabalahan, Joshua thought of trying it for himself.

Pero ngayon daw ay pahinga muna siya.

Bukod sa nag- iisip siya ng bagong content in his vlogs, hindi siya nangiming aminin na nababaduyan daw siya sa kanyang sarili pag pinanonood ang mga lumang vlogs.

“Ang baduy ko naman  dito! ‘Yun ang sinasabi ko,” pag-amin ng aktor.

Mabuti na lang daw at medyo busy siya ngayon.

It leaves him little or no time at all to do vlogging, “Saka na pag may bago akong ipakikita sa mga subscribers ko.”

In the meantime, naka- private daw ang mga vlogs niya as in hindi ‘yon maa- access ng ibang tao.

Tumigil man daw siya sa vlogging ay patuloy pa rin daw siya sa pagti-TikTok.

Matatandaang ilang buwan noong magsimulang mag-TikTok si Joshua showing his dance moves ay pumalo ang video na ‘yon ng maraming likes and subscribers.

It even grew biģger nang ipasilip ng aktor ang kanyang drool-worthy abs. Ronnie Carrasco III