Journo slay sa Samar, tatalupan ng PTFoMS

Journo slay sa Samar, tatalupan ng PTFoMS

December 9, 2021 @ 10:27 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng Malakanyang ang pagpatay sa veteran reporter na si Jesus “Jess” Malabanan, correspondent ng Manila Standard, na binaril ng malapitan sa Calbayog City, Miyerkoles ng gabi.

“Jess is a personal friend of mine. This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable. We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime,” ayon kay Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco of Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Base sa opisyal na report na isinumite ni P/Lt. Nieto Rarugal ng Calbayog City Police Station sa PTFoMS, si Malabanan ay binaril sa ulo habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay San Joaquin, Tinambacan District.

Sinasabing itinumba si Malabanan ng motorcycle “riding-in-tandem” gunmen noong Disyembre 8 dakong alas- 6:30 ng gabi.

Kaagad na isinugod sa malapit na ospital si Malabanan subalit idineklarang “dead on arrival.”

Si Malabanan ay 58 taong gulang.

Samantala, tiniyak ni Egco na “on top of the situation” ang PTFoMs at inatasan ang Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang krimen.

Aniya pa, pupunta siya sa Samar para personal na pangasiwaan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Malabanan at dumalo na rin sa lamay nito at persknal na ipaabot ang pakikidalamhati sa pamilya at kaibigan ng biktima.

Tiniyak ni Egco na hindi matutulog ang Presidential Task Force hangga’t hindi nahuhuli ang mga salarin. Kris Jose