Dominic, pinagtanggol ni Bea!

February 1, 2023 @12:40 PM
Views: 2
Manila, Philippines- Ang suwerte ni Dominic Roque dahil pinagtanggol siya ni Bea Alonzo. Ang pamangkin ni Beth Tamayo na si Dom na nga marahil ang huling lalaki sa buhay ni Bea. Sinabi pa ni Bea sa isang panayam na hindi siya tumitingin sa estado ng isang lalaki.
Aba, ang laki ng farm ni Bea sa Zambales, meron siyang row of aprtments sa Madrid, Spain at may kontrata siya sa GMA7 na sinasabing siya ngayon ang highest earner among the Kapuso actresses.
Si Dominic naman, sa true lang naman, ay may mga negosyong napundar bagama’t ‘di siya masyadong aktibo sa syobis.
Ang importante, magkasundo sila ni Bea. Kitang kita naman ang mga sweet moments ng dalawa sa kanyang posts sa social media.
Hmmmp, kailan kaya magpo-propose ng kasal si Dom kay Bea? Favatinni San
PBBM bibisita sa Japan sa Feb. 8-12

February 1, 2023 @12:30 PM
Views: 27
MANILA, Philippines- Tuloy na tuloy na ang official working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023.
Ang Japan para sa Malakanyang ay isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas.
Ito ay itinuturing na mahalagang “trade at investment partner” ng bansa.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na ang byahe ng Chief Executive patungong Japan ay tugon sa imbitasyon ni Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo sa Japan simula nang maupo ito sa puwesto bilang halal na Pangulo ng bansa.
Kinokonsidera naman ng DFA ang pagbisita na ito ng Pangulo sa Japan bilang “consequential.”
Ang Japan pa rin ang unang bansa kung saan nabuo ang “strategic partnership” ng bansa at tanging isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas, ang isa ay ang bansang Vietnam.
Ang Japan din ang tanging bansa kung saan mayroong bilateral free trade agreement ang Pilipinas na tinawag na PH-Japan Economic Partnership Agreement.
Taong 2021, ang Japan ang “second largest trading partner” ng bansa, ang Pilipinas rin ang itinuturing na “third largest export market” at “second top source of imports.”
Ang Japan ay naging “biggest bilateral source” ng bansa pagdating sa aktibong official development assistance (ODA), nagbibigay ng concessional loans para tustusan ang mahalagang infra at capacity building projects, social safety net programs, education, agriculture at science and technology support, at maraming iba pang “high impact programs.”
Ang official working visit na ito ng Pangulo ay inaasahan na mapagtitibay at mas magpapasigla sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Layon nito na mapalawak pa ang full potential ng PH-Japan strategic partnership sa lahat ng aspeto at mapabilis ang “closer defense, security, political, economic, and people to people ties.”
“During the visit, we anticipate the signing of seven key bilateral documents or agreements covering cooperation in infra development, defense, agriculture and information and communciations technology- areas that are in presidentās priority agenda,” ayon kay Imperial.
Samantala, makakasama naman ng Pangulo sa byaheng Japan nito sina Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Senate President Juan Miguel Zubiri, House speaker Martin Romualdez, Secretary for foreign affairs enrique manalo, finance secretary benjamin diokno, Trade and industry alfredo pascual, energy sec rafael lotilla, tourism secretary cristina frasco, special assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. and Secretary Cheloy Garafil at iba pang cabinet officials at underseceratries na magiging bahagi ng kanyang official delegation.Ā Kris Jose
3 fixer tiklo sa Makati City Hall

February 1, 2023 @12:20 PM
Views: 23
MANILA, Philippines- Binalaan ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga fixers na naglipana at gumagala sa city hall na tumigil sa kanilang ilegal na gawain matapos madakip sa ikinasang entrapment ang tatlo sa mga suspects kung saan ang dalawa dito ay mismong empleyado ng lokal na pamahalaan.
Kinilala ni Binay ang mga inarestong suspects na sina Wilfreda De Leon, 59, regular na empleyado sa city hall bilang Administrative Assistant II; Merlin Balbuena, 46, casual employee na nakatalaga sa Health Department Sanitation Section; at Aisheen Mana-ay, 27, empleyado ng isang pribadong establisimiyento.
Sa pagkakaaresto kay De Leon ay hindi na niya matatangap ang benepisyo sa kanyang pinagtrabahuhan sa city hall.
“The city government will not tolerate fixers. We will continue to aggressively implement our anti-red tape initiatives to ensure that all transactions with the government are done in a transparent and fair manner,” ani Binay.
Base sa report na tinanggap ni Makati police chief P/Col. Edward Cutiyog, ang pagsasagawa ng operasyon ay bunsod sa kanilang natanggap na impormasyon sa talamak na nangyayaring ilegal na transaksyon ng mga empleyado ng city hall sa Makati Business Permits and Licensing Office (BPLO).
Agad na kumilos ang pulisya at ang unang nalambat sa inilatag na entrapment operation ay si Mana-ay na nadakip dakong alas-5:30 ng hapon matapos magpanggap ang isang babaeng pulis bilang kliyente ng suspect.
Humingi diumano si Mana-ay ng P500 kapalit ng mabilis na pagpoproseso ng dokumento at nang tanggapin ni Mana-ay ang nabanggit na halaga ay dinakma na ito ng mga operatiba.
Sa pagsasailalim ng interogasyon ni Mana-ay ay inginuso nito si De Leon na siyang nag-utos sa kanya na tumanggap ng pera.
Sa pagsasagawa ng follow-up operation ay nadakip naman si De Leon dakong alas-7 ng gabi sa Makati City Hall Building 2 kung saan narekober sa posesyon ng suspect ang P500 bill, 88 piraso ng tig-P1,000 na entrapment money, tatlong pirasong P500 boodle money at isang kulay itim na Cherry Mobile tablet.
Samantala, si Balbuena ay inaresto naman sa isinagawang entrapment operation dakong alas-7:40 ng gabi sa harap ng 7-Eleven na matatagpuan sa J.P. Rizal Avenue matapos makatanggap muli sila ng impormasyon ng mga naglipanang fixers sa labas ng Makati City Hall Building 2.
Nakuha naman sa posesyon ni Balbuena, na nanghihingi diumano ng P600 kapalit ng mabilis na paglabas ng dokumento, ng isang pirasong P1,000, 49 pirasong P1,000 boodle money at 41 accomplished health certificates.
Nahaharap ang mga suspects sa kasong paglabag sa RA 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 sa Makati City Prosecutorās Office. James I. Catapusan
Mag-asawa patay, 1 sugatan sa araro ng trak

February 1, 2023 @12:10 PM
Views: 31
ARITAO, NUEVA VIZCAYA- Pinaglalamayan na sa ngayon ng kanilang pamilya’t kamag-anak ang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang isa pa habang sila’y bumibili sa isang tindahan matapos araruhin ng isang trailer truck sa gilid ng kalsada sa National Highway sa Brgy. Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang namatay na mag-asawa na sina Frederick Del Mundo, 44-anyos, magsasaka at si Gina Del Mundo, 55-anyos, kapwa residente ng Brgy. Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.
Malubha namang nasugatan si Reginald Macaslam, 38-anyos, laborer, may-asawa at residente rin sa nasabing lugar.
Nagtamo din ng sugat ang driver ng trailer truck na si Jojo Odones, 47-anyos, may-asawa at residente ng Caloocan, Cabatuan, Isabela.
Ayon kay PCapt. Roger Visitacion, officer-in -charge ng Aritao Police Station na habang binabagtas ng trailer truck ang highway ay bigla umanong nawalan ng kontrol ang driver ng sasakayan nang makarating sa pakurbang kalsada kung saan ay natumbok nito at araruhin ang tindahan at nakaparadang sasakyan.
Dahil dito, nag-overshoot ang sasakyan at natamaan nito ang isang kolong-kolong, Toyota Hilux na nakaparada sa gilid ng kalsada, at nasapul din nito ang isang tindahan at bahay bago tuluyang bumaliktad ang trailer truck.
Nadaganan ng kargang mga abono ng sasakyan ang mag-asawa na kasalukuyan noong bumibili sa isang tindahan na agad nilang ikinasawi habang nasugatan naman ang isa pang mamimili.
Inamin ng driver ng trailer truck na mayroon siyang hangover at nakita din sa sasakyan ang ilang bote ng alak.
Desididong magsampa ng kaso ang pamilya ng mga nasawi at nasugatan, maging ang may-ari ng bahay, sasakyan at tindahan laban sa driver.
Pansamantala nasa pangangalaga na ng Aritao Police Station ang driver, matapos lapatan ng lunas ang tinamo niyang mga sugat.
Samantala, handa umanong magbigay ng tulong ang may-ari ng trailer truck sa pamilya ng mga biktima.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, serious physical injury and damage to property si Odones. Rey Velasco
āTipstersā ng PNP, binigyan ng P1.8M pabuya

February 1, 2023 @12:00 PM
Views: 28