Jovit, biktima ng fake news; asawa, may pakiusap!

Jovit, biktima ng fake news; asawa, may pakiusap!

December 7, 2022 @ 7:50 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Inalmahan ni Camille Ann Miguel ang kumalat na pekeng balita tungkol sa kalagayan ng asawa niyang si Jovit Baldivino.

Si Jovit ang unang tinanghal na champion sa Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

Napilitang magpost si Camille sa social media para pasinungalingan ang balitang nasa alanganing kalagayan ang mister.

Camille later granted an interview to PEP to air her side.

Aniya, wala raw katotohanang nag-collapse ang asawa sa party nitong December 4.

Pero totoong naka-confine daw ito sa ospital sa isang bayan sa Batangas.

Mula kasi nitong December 5 ay nag-umpisa nang kumalat ang fake news na lalong nagpapabigat sa kalooban ni Camille at ng mga mahal sa buhay ng singer.

“Prayers ang kailangan namin, hindi fake news. Hindi kayo nakakatulong,” may halong galit na pahayag ni Camille.

Dagdag niya, kung may isang tao raw na dapat pagmulan ng totoo’t kapani-paniwalang balita tungkol kay Jovit, ‘yun ay walang iba kundi siya.

Dasal ng Remate Online na bumuti ang kalagayan ni Jovit, kasabay ng panalanging masugpo na ang mga nagkakalat ng ‘di makataong pekeng balita sa kanilang kapwa. Ronnie Carrasco III