Jowa direcho ospital; Kit kulong sa pananakit

Jowa direcho ospital; Kit kulong sa pananakit

March 18, 2022 @ 4:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Hawak na ng Tagaytay Police ang aktor na si Kit Thompson matapos umanong ikulong at saktan ang kanyang kasintahan na si Ana Jalandoni.

Nailigtas ng mga awtoridad si Jalandoni matapos makatanggap ng tawag mula sa isang hotel sa Tagaytay.

Dahil dito, dinala si Thompson sa presinto upang kuhanan ng pahayag, samantalang kasalukuyang nasa ospital si Jalandoni upang gamutin ang mga natamong sugat.

Agad na inalerto ang Tagaytay Police ukol sa insidente matapos magpasa ng larawan ni Jalandoni sa kanyang mga kaibigan, na humihingi ng tulong.

Makikita sa larawan ang kanyang natamong mga sugat at black eyes, na nag-viral na sa Twitter.

Tumawag din ang hotel staff sa mga awtoridad matapos marinig ang komosyon sa kwarto kung saan nananatili ang magkasintahan.

Subalit tumanggi sila na magbigay ng detalye ukol sa insidente.

Wala pa ring pahayag ang Cornerstone Entertainment, ang kumpanya na may hawak kay Thompson.

“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports circulating online,” ayon pa sa Cornerstone.

Naglabas naman ng pahayag si PNP spokesperson Brigadier General Roderick Augustus Alba kung saan sinabi niyang, “The PNP continues to monitor the condition of the lady victim after the rescue operation.The suspect, Kit Thompson, has been arrested at inihahanda na po ang mga ebidensya for possible filing of charges.”

“We condone any act of violence, especially against women. As we celebrate the Women’s Month, we couldn’t stress enough the inherent role of the PNP to protect the rights of every woman in society,” giit pa ni Alba.

” We vow to conduct a full, fair, and transparent investigation,” pagsisiguro niya. Joey Sarmiento / RNT/SA