Jowa ni Terrence, laya na, balik sa dating gawi!

Jowa ni Terrence, laya na, balik sa dating gawi!

September 28, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines -Nakarating sa kaalaman ni Ogie Diaz na nakalaya na umano ang asawa ng basketball player na si Beatrice Pia White.

Si Beatrice ay may ilang milyong utang kay Ogie na hanggang ngayo’y unsettled pa rin.

Bukod kay Ogie ay marami pa ang umano’y nabiktima ni Beatrice.

Nalambat si Beatrice ng pulisya noong January ng kasalukuyang taon.

Nahaharap ito sa mga kasong estafa, use of fake names at technical carnapping.

Sa parte naman ni Ogie, sinabi nito na ang milyong pisong inutang sa kanya ni Beatrice ay hindi solong sa kanya.

Ang masaklap, nangangamba ang talent manager cum vlogger na baka hindi pa rin siya bayaran ni Beatrice kahit balitang nakalaya na ito.

Binlock daw kasi nito si Ogie sa Viber. Blocked din si Ogie sa accomplice ni Beatrice na si Efcel.

Ani Ogie, okey lang daw sa kanya kung sasabihin ni Beatrice na hindi na lang ito magbabayad ng utang kundi ido-donate na lang sa foundation niya.

Itinatag ni Ogie ang Kasuso Foundation na tumutulong sa mga breast cancer patient.

Naulinigan din ni Ogie na patuloy pa rin si Beatrice sa mga gawain nito.

Sana raw ay umayos na ito lalo’t ang balitang paglaya nito, kung kumpirmado man, ay ikalawang pagkakataon nito para magbago.

Bukas ang Remate Online para sa panig ni Beatrice Pia White. Ronnie Carrasco III