Joy ng Red Velvet, favorite cover girl ng international magazines!

Joy ng Red Velvet, favorite cover girl ng international magazines!

November 13, 2020 @ 6:41 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Cover girl si Joy ng Red Velvet K-pop band ng 2020 Crazy Cool Asia Edition ng Female Magazine ngayong Nobyembre. Ang magazine ay naka-base sa Singapore.

 

Ayon sa fans ng Red Velvet, pangsiyam na pagpi-feature na ‘yon kay Joy sa iba’t ibang babasahin sa loob at labas ng South Korea. 

 

Ayon sa post ng FEMALE Singapore (@female_singapore) na naka-tag kay Joy: “@_imyour_joy and plenty more of the region’s brightest fashion stars and creative talents – from young independent designers to the modelling agencies championing local…” 

 

Ayon sa website na Koreanboo.com, pinuri ng napakaraming fans at netizens ang kagandahan at kaseksihan ni Joy sa mga larawan na itinampok sa magazine.

 

Sila rin ang nagbigay-diin sa katotohanang pangsiyam na pagtatampok na ‘yon kay Joy sa mga prestihiyosong babasahin (na may internet editions din) sa loob at labas ng South Korea. 

 

Heto ang ilan sa mga puna ng netizens sa pictures ni Joy sa Female Singapore: “I’ve fallen in love with Joy,” “The reason people keep featuring Joy is that she’s good at it and is beautiful,” and “She looks perfect.”

 

Samantala, parang nabawasan na ang ngitngit ng fans ng Red Velvet sa patuloy na pagiging miyembro ni Irene pagkatapos niyang maging kontrobersyal dahil sa pagtataray niya sa isang stylist. 

 

Halos wala nang humihiling na tanggalin sa grupo si Irene. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...