Joyride rider, kasabwat timbog sa buy bust sa Malabon

Joyride rider, kasabwat timbog sa buy bust sa Malabon

August 21, 2022 @ 12:31 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang dalawang bagong identified drug personalities, kabilang ang isang joyride rider matapos madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek bilang sina Alvin Mallillin, 37 joyride rider at Donn Bernardo, 38, kapwa residente ng Caloocan City.

Ayon kay Barot, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano corner Estanio St., Brgy. Tugatog kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P300 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang maliit na transparent plastic sachet ng umano’y shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Ani PMSg Randy O Billedo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600.00 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura