HOROSCOPE FEBRUARY 4, 2023

February 4, 2023 @7:00 AM
Views: 25
![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Habang naaalala mo siya, lalo ka lang malulungkot. Subukan mo munang kalimutan siya at alisin sa isipan mo. Para kasing tinik sa lalamunan at migraine sa ulo ang iyong ex. Libangin ang sarili sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan. Kumain kayo sa labas at manood ng movies sa bahay. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Magiging positibo ka ngayon sa pagkilos at pagpapasya dahil sa bagong natuklasang oportunidad. Ang mga bagay na nasimulan o proyektong nakabinbin ay ituloy dahil makapagbibigay ito sa iyo ng sigla at lakas. Panahon na rin upang buksan mo ang iyong puso para sa bagong pag-ibig. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Malilibang ka ngayon sa iyong pinaggagagawa sa iyong nasimulang vlog. Ituloy mo lang ito at unti-unti itong lalago at pwede pang pagkakitaan. Ang mga konsepto sa mga aktibidad na ipinagkatiwala sa iyo, huwag mong saluhing lahat. Humingi ng tulong sa mga taong may kakayahan at maaasahan. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ang pakikipagbonding ngayon sa mga kaibigan at mga malapit na kakilala ay mapagbibigay ng kasiyahan. Lalo na’t gusto mo ang iyong ginagawa. Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng ilan tungkol sa isang kaibigan. Ito ay paninirang-puri lamang. Mas may pinagsamahan kayo kaysa sa mga taong hindi mo naman kilala. Kaya, sa kanya ka magtiwala at maniwala. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ikaw ngayon ang may hawak ng iyong kapalaran. Bahala ka sa gusto mong gawin basta tiyakin mong ito ay mabuti. Burahin mo sa iyong alaala ang masamang nagawa sa iyo ng isang matalik na kaibigan. Hihingi siya ng despensa sa iyo at patawarin mo. Pakikinabangan mo ito dahil aambunan ka niya ng kanyang grasya bukod pa sa pagbabayad niya ng utang sa iyo. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Makinig ka sa payo at sinasabi ng iyong mga magulang at huwag sa ibang tao. Alam nila ang makabubuti sa iyo. Huwag ka munang magmadali sa pag-ibig dahil darating ang tamang panahon para riyan. At ang panahong iyan malapit na. Baka ang taong mamahalin mo ay kanila pang magustuhan para sa iyo. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Iindiyanin ka ng sweety pie mo sa inyong isinet na date ngayong araw. May biglaan siyang lakad at mahalaga iyon para sa kanyang career. Huwag kang magtatampo o maiinis.Sa halip, ikaw na lang ang pumunta sa bahay nila at matutuwa ka pa dahil magkakaroon kayo ng mahabang oras sa inyong bonding. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Tanging ang Panginoong Diyos lamang ang nakaaalam kung kayo pa rin sa bandang huli. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa dahil kahit nahaharap man sa hamon at pagsubok ang inyong relationship malalampasan n’yo itong magkasintahan. Basta, pagkatapos mo siyang ihatid sa bahay nila, huwag kalilimutang magsabi ng goodnight at I love you. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung maaga kang papasok, maaabutan mo siya sa coffee shop at ililibre ka pa niya ng almusal at mainit-init na kape. Magiging maganda ang iyong araw ngayon dahil napapansin ka na ng crush mo. Basta, ipakita mo lang ang totoong ikaw at huwag magkunwari. May mga bagay kang dapat ayusin ngayon sa opisina kaya hinay-hinay lang sa pag-e-Mobile Legends. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Maaakit sa iyo ngayong araw ang iyong crush dahil sa suot mong damit na bumagay sa iyo ang sukat at kulay. Diyan na magsisimula na mapagtatanto niya na malakas pala ang dating mo. Isang good news din ang matatanggap mo tungkol sa sideline mo. Kaya, good mood ka ngayon. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kung may budget ka naman sa pamasahe, huwag nang makipagsiksikan sa pagsakay sa bus carousel o sa LRT. ‘Yan ay kung nagmamadali ka at on-time dumating ang ka-transaksyon mo. Maiging magtaksi ka na lang muna ngayong araw. Maigi ring selyuhan ang plano n’yo ng bestfriend mo na simulan ang isang small business. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Kahit may pagka-tigre ang attitude mo, mapapaamo ka niya dahil sa kanyang maamong mukha at kabaitan. Malaki ang magiging papel ng isang bagong kakilala sa positibong pagbabago sa iyong buhay. Huwag mo munang asahan ang isang pangako ng isang kaibigan na paulit-ulit na nabubulilyaso. Sa gayun, hindi ka ma-badtrip ngayon dahil sa kakaasa ru’n. |
Kelot todas sa tandem sa QC

February 3, 2023 @7:56 PM
Views: 62
MANILA, Philippines – Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos na malapitang pagbabarilin ng ‘riding-in-tandem’ sa Payatas, Quezon City, Huwebes ng hapon, Pebrero 2.
Kinilala ang biktima na si Alvin Tasara Alejo, 34 anyos,residente ng Brgy. Payatas A, Q.C.
Sa ulat ng Payatas Bagong Silangan Police Station 13 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 2: 30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Everlasting St., Brgy. Payatas A, sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni PSSg Mark Philip Paule, sakay ng motorsiklo ay huminto umano ang biktima sa nasabing lugar at may inayos sa makina ng sasakyan.
Habang abala ang biktima ay biglang huminto sa tapat niya ang mga suspek na magka-angkas sa puting motorsiklo, isa dito ay wala pang suot na helmet.
Nang makita ng biktima na bumunot ng baril ang isa sa mga suspek ay nagtangka pa itong tumakbo subalit sunud-sunod na siyang pinaputukan saka tumakas ang riding-in-tandem patungong Jasmin St., Brgy. Payatas.
Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan na nagresulta na agaran nitong pagkamatay.
Nabatid na ang biktima ay may nauna nang kaso tungkol sa illegal na droga.
Patuloy ang pagsisiyasat ng kapulisan upang malaman ang motibo sa pamamaslang sa biktima at matukoy ang mga salarin. Jan Sinocruz
Convergence plan sa agrarian reform beneficiaries sa GenSan, ikinasa!

February 3, 2023 @7:43 PM
Views: 54
MANILA, Philippines – Upang paunlarin ang pamumuhay ng mga magsasaka, pitong ahensya ng pamahalaan at siyam na local government units (LGUs) ang bumuo ng convergence plan na pakikinabangan ng mga miyembrong agrarian reform beneficiary (ARB) na kabilang sa 113 agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa Sarangani at General Santos City.
Sa press release sinabi ni Mariannie S. Lauban-Baunto, Department of Agrarian Reform (DAR) Soccsksargen Director, na ang ahensya ay nakipagsanib-puwersa sa Cooperative Development Authority (CDA), Philippine Coconut Authority (PCA), Department of Agriculture (DA), Department of Science at Technology (DOST), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ang lahat ay sumang-ayon na magkakaloob ng mga pangunahing suportang serbisyo sa mga ARB sa lugar.
Sinabi ni Baunto na ang kaganapang ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay DAR Secretary Conrado Estrella III, na mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang suportang serbisyo tulad ng farm machineries, farm inputs, agricultural technologies and trainings, bukod sa iba pa.
“These agencies have committed to sharing their resources to help uplift the lives of our farmers and promote sustainable development in the countryside,” ayon sa opisyal.
Ang mga kinatawan na nagharap ng kanilang mga programa at proyekto na mapakikinabangan ng mga ARB sa lugar ay kinabibilangan ni Doreen Ancheta, CDA Regional Director; Elisa Gabi, PCA Regional Director; Jocelyn Misterio, DA Regional Director; Forester Nabil A. Hadji Yassin, DOST Acting Provincial Director; Karen Cariga, DENR Supervising Ecosystems Management Specialist; at Hazel Daze Flores, DTI Development Specialist.
Kaugnay nito kinilala ng mga kinatawan mula sa 9 na LGU ang malaking kontribusyon ng DAR para sa pagsasakatuparan ng proyekto, habang kanilang ipinangako na kanilang susuportahan ang convergence plan at tiniyak sa mga ahensyang sangkot ang kanilang suporta sa paghahatid ng mga suportang serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Kabilang sa mga LGU ang pamahalaang panlalawigan ng Sarangani, General Santos City, municipal LGUs ng Sarangani, Alabel, Glan, Kiamba, Maasim, Malapatan, at Malungon. Santi Celario
Ate tinarakan ng nakababatang kapatid

February 3, 2023 @7:30 PM
Views: 55
MANILA, Philippines – Isang menor de edad na lalaki ang nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare and Development (CSWD) makaraang saksakin nito ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa Brgy. Zapote, Bacoor City, Cavite
Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Las Piñas General and Satellite Trauma Center ang biktimang si Janisah Ote Alag, 24, dalaga isang Repacker sa nasabing lugar na nagtamo ng tama ng saksak sa likurang bahagi ng ulo mula sa kanyang kapatid na 16-taong gulang.
Ayon sa ginawang imbestigasyon ni PSSgt Marvin Rae Calaor ng Bacoor CPS, dakong alas-8:40 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid kung saan nagkaroon sila ng pagtatalo umano dahil sa problema sa kanilang pamilya.
Hanggang sa kumuha ng patalim ang 16-anyos na binatilyo at agad ay sinaksak ang nakatatanda nitong kapatid na babae.
Dito isinugod sa ospital si Janisah kasunod nang pag-aresto sa nakababatang kapatid. Margie Bautista
Pagpapaunlad sa local bamboo industry, isinusulong

February 3, 2023 @7:17 PM
Views: 61