Juday, may emote sa presyo ng sibuyas!

Juday, may emote sa presyo ng sibuyas!

August 24, 2022 @ 9:47 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Kahit sinong mamimili ay tiyak na makaka-relate kay Judy Ann Santos.

Ang latest na ipinost niya sa kanyang Instagram Story ay ang sibuyas na puti.

Alam ng sinumang mamimili o parokyano na sobrang mahal ang sibuyas.

Emote ng aktres, “Sibuyas na puti, nakakaloka ka!”

May kalakip na larawan ‘yon kung saan yakap- yakap ni Juday ang supot ng biniling sibuyas.

Dati-rati raw, kailangan munang hiwain ang sibuyas para maluha, “Pero iniisip pa lang kita, naluluha na ako.”

Pero sa isang banda, may realization ang aktres.

Aniya, aminado siyang mas kailangan niya ang sibuyas kesa mas kailangan siya nito.

Hirit pa niya, “Bilang P550 a kilo ka, iha-hug muna kita, nanamnamin muna kita bago kita iluto!”

Kamakailan ay inamin ni Juday na pansamantala muna niyang itinigil ang kanyang cooking vlog sa taas ng presyo ng mga rekado to come up with a dish.

Gusto niya kasing mag-introduce ng recipe na ang mga sangkap ay abot-kaya ng mas nakararaming Pinoy.

Pero nakatikim ng pamba-bash si Juday sa isang kapwa chef na nagsabing wala sa presyo ng mga rekado ang ikasasarap ng isang lutuin.

Ang isang mahusay na chef daw ay maparaan. Ronnie Carrasco III