Juday, may hanash sa mga artistang nag-ober da bakod!

Juday, may hanash sa mga artistang nag-ober da bakod!

July 9, 2021 @ 7:45 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Parang sinabi na rin ni Judy Ann Santos na kontra siya sa ginawang paglipat ng mga dating Kapamilya stars sa ibang istasyon.

So far, ang huling batch ng mga tumiwalag sa ABS-CBN ay kinabibilangan niina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

“Du’n mo makikitang hiwalay ang puti sa de-kolor,” paggamit ng figure of speech ni Juday.

Tatlong salita ang ginamit ng aktres para mailarawan ang mga umalis sa kanilang dating tahanan: nakakalungkot, nakakabigla, nakakamangha.

Pero hangga’t maaari’y ayaw husgahan ni Juday ang mga ito, pero totoong malaking factor na maituturing ang pandemya at kawalan ng prangkisa ng istasyon.

Isang taon na mula July last year nang ‘di nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN para makapag-operate.

Bagama’t naniniwala si Juday na babalik uli ang free TV, ipinagdiiinan niya na ideally, kung sino pa raw ang A-list Kapamilya stars ang dapat nanatiling nasa bakuran ng ABS-CBN para palakasin ito’t makakuha ng maraming manonood.

Para na ring sinabi ni Juday na ang mga lumipat ding sina Pokwang at Beauty Gonzales ay hindi kawalan sa ABS-CBN…? Ronnie Carrasco III