Juday, nagbabanta sa pagbabalik!

Juday, nagbabanta sa pagbabalik!

January 10, 2023 @ 2:45 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Good news para sa mga fans ni Judy Ann Santos: the Soap Opera Queen is back on TV!

Ito’y pagkatapos ng halos apat na taong pamamahinga sa paggawa ng teleserye.

Taong 2019 pa noong huling gawin ni Juday ang Starla sa kanyang home studio, ang ABS-CBN.

Walang detalyeng ibinahagi ang aktres sa kanyang Instagram Stories except that she posted na ready na siya for the taping.

Post niya habang inaayusan: “May kilay na ako. Bino-blower na ang buhok ko. Unti- unti magiging artista na uli ako.”

Inactive man for nearly four years, nag-guest co-host si Judy Ann sa Magandang Buhay.

She pinchhit for Regine Velasquez na that time ay may concert abroad.

Sinadyang hindi tumanggap ng regular work si Juday bilang pag-iingat na rin sa laganap na Covid-19.

On the side, naging abala rin ang aktres sa kanilang Angry Adobo food business ng asawang si Ryan Agoncillo.

A culinary arts graduate, ginamit itong fallback ni Judy Ann na sinuwerteng nag-click naman.

When not busy with showbiz work, si Ryan pa mismo ang nagsisilbing rider ng mga pagkaing inoorder sa kanila.

Parang timing naman ang pagbabalik sa TV ni Judy Ann lalo pa’t nabalitang nakakontrata na ang mahigpit niyang karibal na si Claudine Barretto sa AllTV.

Kung saka-sakali, 2023 will have Juday  and Claudine pitted against each other.

Exciting! Ronnie Carrasco III