Juday, relate-much kay Liza!

Juday, relate-much kay Liza!

March 13, 2023 @ 9:37 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Having begun in showbiz since she was eight years old, malayo na ang nalakbay ni Judy Ann Santos.

Sa larangan ng showbiz siya nagdalaga, naging ganap na adult, nagkanobyo, nagkaasawa hanggang nagkaroon ng mga anak.

Dito na rin pinagsabay ni Juday ang pagnenegosyo katuwang ang asawang si Ryan Agoncillo.

Ngayon, nasa punto ng kanyang buhay ang dating child actress na ang top priority niya ay ang kanyang pamilya.

But this doesn’t mean that she doesn’t look back with gratitude.

After all, ang kanyang showbiz work ang nagsilbing bread and butter niya.

But she has taken it to a higher level as she gets to choose which projects she only likes doing.

Hindi raw kamukha noon na wala siyang upperhand o kapangyarihang mamili, “Now I can be picky.”

Obyus na nauunawaan ni Juday ang kalagayan ni Liza Soberano.

Like Liza, namuhay rin daw si Juday nang may nagdidikta sa kanya kung ano’ng dapat gawin.

At tulad din ni Liza, wala rin daw boses noon si Juday kaugnay ng mga aktor na itinatambal sa kanya.

Things have changed though. Mas pihikan na raw si Juday ngayon dahil naniniwala siya in choosing the right projects that will further enhance her career as an actress.

In short, nakaka-relate si Juday sa ilang hanash ni Liza most especially sa puntong naumay na raw ito sa naging takbo ng kanyang manipuladong career.

Marami namang netizens ang nagsasabing malayo ang agwat ng dalawang aktres para maumay si Liza sa ilang taong pamamalagi pa lang sa showbiz.

Samantala, nauunawàan naman ng Star Magic head na si Lauren Dyogi ang mga sentimyento ni Liza.

“May pinagdadaanan ‘yung bata. Hers is not a unique case and I’m sure lahat tayo, may mga responsibilidad sa pamilya. Tiyak ako na lahat ng mga tao na nakatulong sa kanya ay isa lang ang hangad: for her to be successful in attaining global stardom.”

Naipaliwanag na naman ni Liza na wala siyang mga reklamo, most of all ay tinatanawan niya ng malaking utang na loob ang mga sakripisyo ng mga taong nakasama niya.

Let’s face it, at some point in our lives we get saturated. Ronnie Carrasco III