Juday, sinupalpal ng kapwa chef; Robredo, damay!

Juday, sinupalpal ng kapwa chef; Robredo, damay!

July 14, 2022 @ 10:36 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nitong July 12 ay iniulat namin dito sa Remate Online na may limang buwan nang walang bagong episode ang cooking vlog ni Judy Ann Santos.

May paliwanag naman ang chef actress.

Napakataas daw ng mga bilihin ngayon kaya mahirap mag-isip ng mga recipe na maaaring lutuin ng kanyang mga tagatangkilik.

Pinuri naman si Juday dahil ramdam daw nito ang karaniwang hinaing ng mga mamamayan.

Kontra naman dito ang kapwa chef na nagngangalang Pebbles Cunanan.

Anito sa kanyang post, “Diskarte lang ‘yan, ghorl.”

Given na raw ang mataas na presyo ng mga bilihin.

Palibhasa raw ay nag-aral si Juday sa mamamahaling culinary school.

Idinamay pa nito si dating VP Leni Robredo. Paano raw gawing masarap ang lugaw given its ingredients?

Sa madaling salita, ang lasa ng isang pagkain ay hindi nakadepende sa mahal ng mga sangkap nito.

Kaya nga raw chef ang tawag sa taong marunong magluto, dapat maparaan din.

Sinang-ayunan naman si Pebbles ng isang netizen.

Kesyo hindi raw nag-iisip si Juday, sablay pa sa decision making.

Kung may pagkain daw para sa mamamayan, dapat nakaisip din ang aktres ng putaheng pang-middle class o pangmahirap lang.

Ano’ng masasabi mo, Mrs. Agoncillo? Ronnnie Carrasco III