Juday, tinawag na papampam!

Juday, tinawag na papampam!

August 27, 2022 @ 12:46 PM 1 month ago


Manila, Philippines – May recipe marahil si Judy Ann Santos kung paano manatiling composed at unaffected sa kanyang mga bashers.

Eto na naman kasi ang dating contestant ng cooking show which she hosted, may hirit na naman.

Siya si Pebbles Cunanan na nagreak nu’ng sabihin ni Juday in her post ang dahilan kung bakit nag-lie low muna siya sa kanyang cooking vlog.

Inalmahan kasi ni Juday ang sobrang taas ng mga presyo ng bilihin.

Hirit naman ni Pebbles, wala raw sa presyo ang pagiging isang magaling na chef.

Ang latest, napagdiskitahan ni Juday ang presyo ng sibuyas na puti.

Nakabili raw ang aktres sa halagang P550 isang kilo.

Banat ng ayaw paawat na si Pebbles, papampam daw masyado si Juday.

Nakuha nga raw nitong mag-enrol sa culinary course na milyon ang ginastos, para P550 na sibuyas ay umiiyak siya?

Bale ba, this basher made a sweeping statement patungkol sa mga artistang nalalaos na.

Pati raw kasi sibuyas ay pinapatulan!

At presstime, wala pang resbak ang misis ni Ryan Agoncillo, o baka wala siyang balak buweltahan ‘yung Pebbles…

Dahil isang malaking pag-aaksaya ng oras!

Ano pa nga ba?! Ronnie Carrasco iII