Juday, umaray sa presyo ng bilihin!

Juday, umaray sa presyo ng bilihin!

July 11, 2022 @ 7:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines – May dahilan naman pala kung bakit limang buwan pa ang huling episode ng YouTube channel ni Judy Ann Santos.

Na-curious bigla ang co- host ni Juday sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros kung paanong nagtataka ang mga netizens kung bakit matagal na nilang hindi napapanood ang aktres.

For the record, umabot na sa 1.69 million ang bilang ng mga subscribers ni Juday.

Asked how come she has no fresh episodes, inamin ni Juday na may kinalaman ‘yon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Aminado ang aktres na nahihirapan siyang mag-isip ng mga recipe na maaaring gayahin ng kanyang mga subscribers.

Ani Juday, mas ideal daw lumikha ng recipe na ang mga kakailanganing sangkap ay within the budget o abot kaya.

Pinuri naman ng mga netizen ang misis ni Ryan Agoncillo dahil nakaka-relate daw siya sa mga hinaing ng ating mga kababayan.

Hindi raw porke celebrities silang mag-asawa’y hindi ibig sabihin na ligtas o exempted sila sa inflation rate na dinadaing ng lahat.

Marunong daw makaramdam si Juday sa mga suliranin ng bayan.

For that, we salute her! Ronnie Carrasco III