Judicial courts balik 100% ops na sa opisina sa Marso

Judicial courts balik 100% ops na sa opisina sa Marso

February 28, 2022 @ 1:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Simula bukas, March 1, ay kailangan ng pumasok ang lahat ng kawani ng hudikatura.

Sa administrative order ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, inatasan ang mga opisyal at empleyado ng SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga mababang korte na nasa ilalim ng alert level 1 na pumasok na sa kanilang mga tangapan mula bukas.

Hindi na paiiralin ang work from home sa mga tangapan sa Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.

Sa Korte Suprema, mananatili lamang ang 80% na kapasidad ng papasok sa mga tangapan na maliliit ang espasyo.

Pinapayagan na rin ng Office of the Court Administrator (OCA) ng SC ang mga hukom na magsagawa ng jail visitation kung kinakailangan habang ang mga night courts ay maari nang isagawa.

Sa hiwalay na kautusan, ang lahat ng kawani sa CA ay kailangan sumailalim sa antigen test kada buwan.

Ipinaalala ng SC ang istrikto pa rin na pagpapatupad ng health protocols sa mga korte kahit nasa pinakamaluwag na alerto ang Metro Manila. Teresa Tavares