Jueteng, hindi muna gigibain ni Pangulong Duterte

Jueteng, hindi muna gigibain ni Pangulong Duterte

June 29, 2018 @ 5:34 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa ngayon ay hindi pa muna gigibain ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang usapin ng illegal numbers game na jueteng.

Aniya, maaapektuhan kasi ang kabuhayan ng ilang mga Filipino.

“Jueteng is unlawful. It is not legal. It cannot be allowed. Ngayon, malakas ang jueteng sa Luzon, dito sa Visayas but sa Mindanao, wala,” ani Pangulong Duterte.

Aniya, ilang siglo na ang nasabing numbers game na mayroong ‘extensive and intensive networking’ at ang paggiba rito ay tila hindi pa napapanahon dahil posibleng ang mga taong nagta-trabaho sa Jueteng ay posibleng pumasok sa illegal drug trade.

“Ngayon, kung parahin ko ‘yan, I must be prepared to give another livelihood scheme sa mga tao. Kasi kapag wala ‘yan, wala kang ipapalit… papalit niyan droga. Mas deadly. Mas marami na at ang networking niyan mas malawak. Intensive and extensive,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Sigurado aniya na agad na papalit ang mga drug lord sa maaapektuhang Jueteng.

Naniniwala siyang sasakyan ng mga drug lord ang mekanismo nito mismo.

Sa pagkakataong ito ay kailangan na handa siyang magbigay ng substitute na trabaho sa mga maaapektuhang nagta-trabaho sa Juetengan. (Kris Jose)