Julia at Bea, magkasama sa pelikula!

Julia at Bea, magkasama sa pelikula!

February 7, 2023 @ 10:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Expected nang magagamit to her disadvantage si Bea Alonzo para paingayin at tangkilikin ang pelikula ni Julia Barretto.

Hindi kasi si Bea Alonzo kundi si Bea Binene ang co-star ni Julia sa pelikulang Will You Be My Ex?

Kasama nila rito si Diego Loyzaga

Nitong February 6, Lunes nagsimulang gumiling ang kamera para sa shoot nito.

Ewan kung talagang sinadyang pagsamahin si Julia at ang kapangalan ng dating nobya ng kanyang current flame na si Gerald Anderson to arouse curiosity of the audience.

Iisipin nga naman that by the mere sound of the name Bea, walang ibang puwedeng pumasok sa kamalayan ng tao kundi ang babaeng ghinosting ni Gerald.

Quite unfair ito kay Bea Alonzo, pero pabor naman sa cast ng nasabing Viva movie.

Anyway, hindi ito ang unang pagkakataon na magkasama sa trabaho sina Julia at Diego.

They first worked in Wansanataym in 2013 at nasundan ng Mirabella the year after.

As for the lesser known Bea, mukhang nakaganda ang hindi na niya pagiging isang Kapuso artist.

Wala nga naman siyang lulugaran sa mundo na dominated by actress her age na si Barbie Forteza.

To top it all, there only has to be one Bea na puwedeng magreyna sa GMA, and that’s Bea Alonzo.

Obyus na iba na rin kasing career path ang tinatahak ni Binene.

A little girl no more, mukhang sa larangan siya ng pagpapaseksi sasabak. Ronnie Carrasco III