Julia at Gerald, nag-date sa F1 Grand Prix!

Julia at Gerald, nag-date sa F1 Grand Prix!

October 4, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


Singapore – Sa kabila ng kaliwa’t kanang issue na hiwalay na ang couple na sina Gerald Anderson at Julia Baretto, pinatunayan lang naman nilang going strong sila.

Binahagi ng celebrity couple ang mga larawang kuha nila sa Singapore sa ginanap na Formula 1 Grand Prix where they watched together.

Hindi lang basta photos at videos, sweet pa ang mga ito!

They both shared it sa kanilang Instagram accounts.

Bakas sa mukha ng dalawa, lalo na kay Julia, na talaga namang nag-enjoy ito sa kanilang panonood kahit maulan.

Hindi basta-basta ang date ng couple dahil aabot lang naman sa daang libong piso ang grand prix ticket.

Bukod sa #JuRald, spotted din si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa nasabing event. Paula Jonabelle Ignacio