Julia, atat nang magka-baby kahit hindi pa kasal!



Julia, atat nang magka-baby kahit hindi pa kasal!

June 10, 2021 @ 1:35 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa vlog ni Dani Barretto ay tinanong niya ang kanyang kapatid na si Julia ng, “At this point in your life, what else is missing?”

Walang kagatul-gatol na sagot ni Julia: “A baby!”

Hindi man sinabi ni Julia kung kanino gustong magka-baby ay obyus namang si Gerald Anderson na nobyo niya ang gusto niyang maging ama ng magiging baby niya.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit hindi raw muna pagpapakasal sa father-to-be ng baby ang gusto niyang mangyari? If ever din daw ba’y papayag ang mga magulag ni Julia na sina Marjorie at Dennis Padilla na basta na lang magkaanak ang anak nang walang basbas ng kasal?

May mga nagsa-suggest din kay Julia na bakit daw hindi muna pagtatapos ng college ang atupagin nito at isantabi ang pagkakaroon agad ng baby out of wedlock?

Pero may isang netizen ang dumepensa kay Julia. Iba-iba raw ang tao kung paanong iba-iba rin ang mga prayoridad nila sa buhay.

Sa kaso raw ni Julia na kahit paano’y may naipon na at secure na ang buhay, mas madali raw magpalaki ng anak Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •