Julia, binansagang ‘babaeng laging nagpaparinig’!

Julia, binansagang ‘babaeng laging nagpaparinig’!

March 17, 2023 @ 11:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Nahihiwagaan ang ilang netizens kay Julia Montes sa tila makahulugang post nito sa social media.

Post kasi ng aktres: “I don’t want a perfect family…I want a happy family!”

Some netizens were quick to jump into conclusion na kesyo may problema raw silang pinagdadaanan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

One of them even referred to Julia as “ang babaeng laging nagpaparinig”!

Duda ng netizen, hindi na raw makapaghintay si Julia na yayain siyang pakasal ni Coco.

Nagkataon naman daw na sa parte ng aktor, hindi nito top priority sa ngayon ang lumagay sa tahimik.

Mas focused daw kasi ito sa kanyang trabaho.

But if it’s any consolation, matatandaang sa vlog interview ni Karen Davila kay Coco, papunta naman daw talaga sa kasalan kung sinuman ang karelasyon niya.

Isang simpleng “Oo naman!” ang tugon ni Coco when asked kung balak niyang ihatid sa dambana ang kanyang minamahal.

Ayon naman sa ibang netizens, nauunawaan nila ang post ni Julia for wanting to have a happy family rather than a perfect one.

Produkto raw kasi ng broken family ang aktres whose biological father happens to be a foreigner.

Ayaw nga namang maulit ni Julia ang kinahinatnan ng kanyang sariling pamilya.

Pero ayon naman sa ilang netizens na mas nakakaunawa ng buhay, naiintindihan nila si Julia dahil wala naman talagang isang perpektong pamilya.

At kung meron man daw pinagdadaanan si Julia kay Coco, a concerned netizen assured her: “Lilipas din ‘yan.” Ronnie Carrasco III