Julia, dedma sa bday ni Coco!

Julia, dedma sa bday ni Coco!

November 2, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Masusing tinutukan ng mga netizens ang November 1, kaarawan ni Coco Martin.

Hindi na ikinagulat ng mga ito ang mga bumuhos na pagbati ng mga dating kasamahan ni Coco sa Ang Probinsyano.

Aside from being the bida, si Coco rin ang creative director ng AP.

Apat na John ang nagpaabot ng kanilang greetings at wishes: John Aricilla, John Estrada, John Medina at John Prats.

May galing din kay Rosanna Roces.

May kalakip pang You’ve Got a Friend song ang kay Michael de Mesa.

Hindi rin nakalimot sina Mark Lapid at Marc Solis.

But wait, may kulang yata.

Yes, nowhere to be found ang inaasahan sanang pagbati mula sa rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes.

Marami naman ang nagsasabi na given o understood na raw kung hindi man bumati si Julia sa social media.

For sure naman daw ay nagkaroon ang dalawa ng selebrasyon, a silent and intimate one at that.

Sana man lang daw kung ang pagbati ni Julia ay may kasama nang pag-amin ng kanilang relasyon.

Kunsabagay. Ronnie Carrasco III