Julia, ginawang cardio ang pag-shopping sa Bangkok; Bea, muntik nang makita!

Julia, ginawang cardio ang pag-shopping sa Bangkok; Bea, muntik nang makita!

July 9, 2022 @ 3:55 PM 1 month ago


Bangkok, Thailand – Shopaholic.

Ito ang maaaring ilarawan kay Julia Barretto na habang sinusulat ito’y nasa Thailand pa rin kasama ang nobyong si Gerald Anderson.

Mukhang dumayo pa ang aktres sa nasabing bansa para mamili lang.

May ipinost na photo si Gerald showing Julia holding a paper bag of a luxury brand.

Nilakipan niya ito ng caption na, “Shopping is her cardio.”

At talagang mapagbiro ang tadhana.

Dahil nagkataon ding nasa Bangkok, Thailand ang ex-girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo with her boyfriend Dominic Roque.

Kung shopping ang ipinunta roon ni Julia, trabaho naman daw kay Bea.

Matatandaang nagkaroon na ng commercial shoot si Bea roon with Alden Richards.

‘Yun ‘yong panahong hindi pa lumilipat si Bea sa GMA at puring- puri niya si Alden sa husay ng pakikisama nito. Ronnie Carrasco III