Julia, hindi bet ng ina ni Gerald?

Julia, hindi bet ng ina ni Gerald?

May 6, 2022 @ 4:47 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sari-saring komento ang bumaha sa Instagram pagkatapos i-upload ni Gerald Anderson ang video nila ng nobyang si Julia Barretto.

Wala sanang isyu kung silang dalawa lang ang ‘ika nga’y starring sa video.

Ang kaso, ka-join din ang ina ng aktor.

Naging imbitasyon tuloy ‘yon para mag-post ang mga netizen ng anti-Julia comments.

Sey ng isa, halata raw na hindi bet ng madir ni Gerald ang girlfriend nito kumpara sa ex nitong si Kim Chiu.

Mas gusto raw ni Mrs. Anderson si Kim dahil pareho silang Bisaya.

Another netizen butted in. Mag-move on na raw ang mga maka-KimErald dahil kasaysayan na raw ang nasabing tambalan.

Happy na raw si Kim sa piling ni Xian Lim.

Maging ang nananahimik nang si Bea Alonzo na ex-girlfriend ni Gerald ay idinamay rin.

Nakakaloka ang mga tirada kay Julia na hinusgahan agad base sa video.

Paano nakakasiguro ang mga anti-Julia na hindi bet ng ina ni Gerald ang nobya nito?

Kung totoo man, unfair naman ito kay Marjorie Barretto na boto kay Gerald for her daughter. Ronnie Carrasco III